2 Kelot huli sa larong pool
@Balitang Probinsiya | April 25, 2022
AKLAN – Dalawang lalaki ang inaresto ng mga tauhan ng pulisya nang mahuli sa aktong nagsusugal sa larong pool kamakalawa sa Bgy. Aliputos, Numancia sa lalawigang ito.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Manny Tonel, 36-anyos at Alvin Refre, 38, kapwa residente sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, may nagbigay impormasyon sa himpilan ng pulisya na nagsusugal sa larong pool sina Tonel at Refre kaya agad rumesponde ang mga awtoridad at dinakip ang dalawang suspek.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng mga gambling paraphernalia at cash sa pag-iingat nina Tonel at Refre.
Inihahanda na ngayon ng pulisya ang kasong paglabag sa RA 1602 o illegal gambling laban sa mga suspek.



Comments