top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

2 kelot dedbol sa SUV

BULGAR
Sep 26, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | September 26, 2022


CEBU—Dalawang lalaki ang namatay at isa pa ang sugatan ang namatay nang aksidenteng bumangga ang kinalululanan nilang motorsiklo sa likurang bahagi ng SUV (Sports Utility Vehicle) kamakalawa sa Bgy. Tulay, Minglanilla.


Ang mga nasawi ay kinilala ng pulisya na sina Janrenan Omambac, Nencris Omambac, kapwa nasa hustong gulang, samantalang inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng isa sa mga biktima na nasugatan sa naganap na aksidente.


Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol si Janrenan sa pagmamaneho ng motorsiklo habang nakaangkas si Nencris at isa pang biktima kaya bumangga sila sa likurang bahagi ng SUV na minamaneho ng hindi pinangalanang driver.


Nabatid na dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival sina Janrenan at Nencris.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na aksidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page