top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

2 kawatang salesman, arestado

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 13, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | January 13, 2022


CAPIZ–Dalawang salesman na nagnakaw sa mga produkto ng kanilang kompanya ang inaresto ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Poblacion Ilaya, Panay.


Ang mga suspek ay kinilala ng pulisya na sina Ian Abala, 41-anyos at Ramer Baylen, 25-anyos, kapwa salesman ng Lemacel Trading Corporation sa nasabing bayan.


Nabatid na nadiskubre ang pagnanakaw ng dalawang salesman nang matuklasan sa isinagawang imbentaryo ng management ng kompanya na may mga nawawalang produkto sa trak na naka-assign sa dalawang suspek.


Dahil dito, inireklamo ng management sa pulisya sina Abala at Baylen at sinampahan ng kasong qualified theft.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page