top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

2 Kahon ng marijuana, isinurender ng driver

BULGAR
Jul 27, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 27, 2022

KALINGA—Dalawang kahon ng marijuana ang isinuko ng driver sa pulisya kamakalawa sa Bgy. Talaca, Tabuk City.


Para sa kanyang seguridad ay hindi na pinangalanan ng pulisya ang driver ng courier van.


Ayon sa pulisya, naghinala ang driver na ang kanyang na-pick-up sa dalawang lalaki na dalawang kahon na isinakay sa kanyang van sa Bgy. Lacnog at ipinadi-dilber sa kanya sa Bulacan ay naglalaman ng marijuana.


Dahil dito, nagtungo ang driver sa police checkpoint at kusang ipinasiyasat ang dalawang kahon na nakalulan sa kanyang van at dito natuklasan na marijuana na nagkakahalagang P2.5 milyon ang laman nito.


Sa ngayon ay nagsasagawa na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang dalawang suspek.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page