2 Illegal logger, tiklo
- BULGAR
- Aug 5, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | August 5, 2022
PALAWAN—Dalawang illegal logger ang dinakip ng pulisya nang makumpiskahan ng mga "hot logs" na nakakulan sa multicab kamakalawa sa Bgy. Alfonso XIII, Quezon.
Nakilala ang mga suspek na sina Bernie Escovidal at Ronnie Masucol, kapwa nasa hustong gulang at parehong nakatira sa naturang bayan.
Ayon sa ulat, napadaan sa checkpoint ang multicab na kinalululanan nina Escovidal at Masucol nang makita ng mga awtoridad na may dala silang mga pinutol na punong kahoy na nakasakay sa naturang sasakyan ay hinanapan ng dokumento ang mga suspek.
Nang walang maipakita, ay agad dinakip ng mga awtoridad ang dalawang suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa PD 705 o Revised Forestry Code of the Philippines.



Comments