2 HVT sa droga, timbog
@Balitang Probinsiya | August 6, 2023
ILOILO -- Dalawang high-value target (HVT) sa droga ang nadakip sa drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Molo District, Iloilo City sa lalawigang ito.
Itinago muna ng pulisya ang mga suspek sa mga alyas na “Bok” at “Omelya”, kapwa nasa hustong gulang habang iniimbestigahan pa sila ng mga operatiba.
Nabatid na inaresto ang mga suspek sa isinagawang drug-bust operation ng mga operatiba sa naturang barangay.
Napag-alaman na nakakumpiska ang mga awtoridad ng pitong pakete ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Kusang sumama sa pulisya at hindi nanlaban ang mga suspek sa mga operatiba sa naturang lugar.



Comments