top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

2 HVT sa droga timbog

BULGAR
Jan 22, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Enero 22, 2023


CAPIZ -- Dalawang HVT (high value-target) sa droga ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Dinginan, Roxas City sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Junerod Jamili, 39, at Anhel Dellotay, 23, kapwa residente ng nasabing lungsod.


Napag-alaman na nadakip ang mga suspek sa isinagawang drug bust operation ng mga operatiba sa naturang barangay.


Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 32 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.


Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page