top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

2 human traffickers, arestado

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 6, 2022
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | March 6, 2022


ILOILO CITY–Dalawang miyembro ng sindikatong sangkot sa “human trafficking” ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Rizal Palapala 2.


Ang mga suspek ay nakilalang sina Allan Ilangos at Josephine Abayon, kapwa pansamantalang nakatira sa nasabing barangay.


Nabatid na inaresto ng pulisya ang mga suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nilang kasong human trafficking sa Palawan.


Sinabi ng mga awtoridad na matagal na nilang pinaghahanap ang mga suspek at kamakalawa lang sila nagkaroon ng pagkakataon na nadakip ang mga ito sa naturang lugar.


Nakapiit na ang mga suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page