2 Holdaper, patay sa shootout
@Balitang Probinsiya | July 8, 2022
MAGUINDANAO—Dalawang holdaper ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya kamakalawa sa Bgy. Awang, Datu Odin Sinsuat.
Sa ngayon ay inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng dalawang holdaper na napatay sa nasabing lugar.
Nabatid na may nag-report sa pulisya na nakita sa naturang barangay ang dalawang suspek na madalas mangholdap sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, agad rumesponde ang mga operatiba at nang akmang dadakpin ang dalawang holdaper nang biglang pinagbabaril ng mga suspek ang mga awtoridad.
Dahil dito ay agad gumanti ng putok ang pulisya kaya napatay ang mga suspek.



Comments