2 drug trafficker tiklo sa drug bust
@Balitang Probinsiya | August 30, 2022
QUEZON—Dalawang drug trafficker ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Bukal Sur, Candelaria.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Salahodin Solaiman at Nasser Ulama, kapwa nasa hustong gulang at kapwa nakatira sa Malate, Maynila.
Ayon sa ulat, nagsagawa ng drug-bust operation ang mga awtoridad sa nabanggit na barangay kaya nadakip ang mga suspek.
Napag-alamang nakakumpiska ang mga awtoridad ng 50 gramo ng shabu sa pag-iingat ng mga suspek.
Hindi naman nanlaban ang mga suspek nang dakpin sila ng mga awtoridad sa nasabing barangay.



Comments