2 drug dealers ng marijuana, arestado
@Balitang Probinsiya | February 28, 2022
KALINGA–Dalawang drug dealers ang inaresto ng pulisya nang makumpiskahan sila ng marijuana kamakalawa sa police checkpoint sa Bgy. Dangoy, Lubuagan.
Ang mga suspek ay kinilala ng pulisya na sina Jeymor Eusebio at Aldren Pacio, kapwa nasa hustong gulang at mga residente ng Tuao, Cagayan.
Nabatid na inaresto ng mga awtoridad ang mga suspek nang makumpiskahan ng mga pakete ng marijuana ang kinalululanan nilang L-300 van na napadaan sa police checkpoint.
Nakapiit na ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments