2 drug dealer tiklo sa checkpoint
@Balitang Probinsiya | September 16, 2022
MOUNTAIN PROVINCE—Dalawang drug dealer ang dinakip kamakalawa ng mga awtoridad sa police checkpoint sa Bgy. Poblacion, Sadanga.
Ang mga suspek ay kinilala ng pulisya na sina Eliseo Quiambao, 23-anyos at John Cedric Gadia, 21-anyos, kapwa nakatira sa Quezon City.
Nabatid na napadaan ang kotseng kinalululanan nina Quiambao at Gadia sa police checkpoint at nang suriin ng mga awtoridad ang laman ng sasakyan ay dito nakita ang 67 pakete ng marijuana.
Kusa namang sumama sa mga awtoridad ang mga suspek ng dakpin sila ng mga awtoridad.
Nakapiit na mga ang suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments