2 Classrooms, tinupok ng apoy
@Balitang Probinsiya | June 12, 2022
SORSOGON–Dalawang classrooms ang tinupok ng apoy kamakalawa sa bayan ng Casiguran.
Ang sunog ay nagmula umano sa classroom at mabilis na kumalat ang apoy kaya nadamay nasunog ang isa pang classroom ng Casiguran Central School sa nasabing bayan.
Nabatid na nakaresponde agad ang mga bumbero kaya mabilis naapula ang apoy.
Wala namang iniulat na nadisgrasya sa naganap na insidente.
Sa ngayon ay inaalam pa ng mga arson investigator ang sanhi ng sunog at halaga ng napinsala ng apoy sa dalawang classrooms ng eskuwelahan.



Comments