2 cellphones ng mag-ama, ninakaw
@Balitang Probinsiya | July 14, 2022
AKLAN—Dalawang cellphones ng mag-ama ang ninakaw ng mga hindi pa kilalang magnanakaw kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Kalibo.
Ang mag-amang biktima ay sina Apollo Dela Cruz, nasa hustong gulang at dalagita nitong anak na itinago sa pangalang "Sabel," kapwa nakatira sa nasabing barangay.
Nabatid na natutulog ang mga biktima sa loob ng kanilang bahay nang buksan ng mga suspek ang bintana at saka kinuha ang cellphone ng mag-ama na nasa lamesa.
Napag-alamang kinaumagahan na nalaman na nawawala ang mga cellphones.
Kaugnay nito, naglunsad na rin ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang mga magnanakaw.



Comments