2 bomba, natagpuan sa kalsada

@Balitang Probinsiya | November 25, 2020
NORTH COTABATO—Dalawang bomba ang natagpuan kamakalawa sa gilid ng kalsada ng Bgy. Ginatilan, Pikit.
Ang mga bomba ay natagpuan ng mga tauhan ng 90th Infantry Battalion ng Philippine Army (PA) na nakabase sa nasabing lalawigan.
Napag-alamang ang bombang natagpuan ay 60MM mortar at 81MM mortar.
Nabatid na nasa pag-iigat na ngayon ng Explosive and Ordnance Division Team ang mga natapuang bomba.
May hinala ang mga awtoridad na mga miyembro ng teroristang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang naglagay ng dalawang bomba sa naturang lugar.



Comments