2 Boga, isinuko ng 2 kelot
- BULGAR
- Jul 7, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | July 7, 2022
AKLAN—Dalawang lalaki ang nagtungo sa himpilan ng pulisya at isinuko ang kanilang mga baril kamakalawa sa bayan ng Altavas.
Kinilala ang dalawang lalaking nagsuko ng kanilang mga baril na sina Ariel dela Cruz, 50-anyos, residente ng Bgy. Catmon at Honoracio Francisco, 59-anyos, residente ng Bgy. Quimasayan, kapwa sa nabanggit na bayan.
Nabatid na ang isinuko ni Dela Cruz ay ang baril niyang kalibre .38 revolver at ang isinurender naman ni Francisco ay ang baril niyang kalibre .22 revolver.
Sinabi nina Dela Cruz at Francisco na walang kaukulang dokumento ang kanilang mga baril kaya nagpasya silang isuko ang kanilang mga armas sa pulisya.
Nanawagan naman ang pulisya sa mamamayan na isuko na rin sa kanilang tanggapan ang mga baril na nasa kanilang mga pag-iingat kung wala itong mga kaukulang dokumento para makaiwas sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions.



Comments