top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

2 Biktima ng salvage, natagpuan

BULGAR
Jun 15, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | June 15, 2022


MAGUINDANAO–Dalawang bangkay ng lalaki na biktima ng salvage ang natagpuan kamakalawa sa Bgy. Taviran, Datu Odin Sinsuat.


Ang biktima ay kinikilala pa ng pulisya dahil walang makitang identification card ang pulisya sa gamit ng dalawang salvage victims.


Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng mga biktima na may mga tama ng bala sa ulo at katawan.


May hinala ang mga awtoridad na pinatay ang mga biktima sa nasabing lugar dahil bago natagpuan ang kanilang mga bangkay ay nakarinig ang mga residente ng sunud-sunod na putok ng baril sa naturang barangay.


Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na krimen.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page