top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

2 biktima ng salvage, natagpuan

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 25, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 23, 2020



NORTH COTABATO—Dalawang bangkay ng lalaki na kapwa biktima ng salvage ang natagpuan kamakalawa sa Bgy. Nueva Vida, Mlang.


Ang mga biktima ay kinilala ng pulisya na sina Maktar Maulana at alyas William, kapwa nakatira sa Bgy. Kilagasan, Kabacan.


Nabatid na ilang residente ang nag-report sa pulisya tungkol sa natagpuan nilang mga bangkay ng dalawang biktima na may mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.


May hinala ang mga awtoridad na sa ibang lugar pinatay ang mga biktima at itinapon lang sa nasabing barangay ang bangkay ng mga ito upang iligaw sa imbestigasyon ang pulisya.


Patuloy pa ang isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para mabatid ang motibo sa krimen at makilala ang mga salarin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page