top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

2 bigtime tulak, huli sa buy-bust

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 31, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 31, 2022



QUEZON—Dalawang bigtime drug pusher ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. Ibabang Iyam, Lucena City.


Kinilala ang mga suspek na sina Emmanuel Loduvice, 42-anyos at Aljon Abano, 26-anyos, kapwa nakatira sa naturang barangay.


Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba at nang pagbentahan sila ng droga nina Loduvice at Abano ay dito na agad dinakip ng mga awtoridad ang mga suspek.


Napag-alamang nakakumpiska ang mga awtoridad ng 1.5 gramo ng shabu at markadong pera pag-iingat ng mga suspek.


Hindi naman nanlaban ang mga suspek at sa ngayon ay nakapiit na sila sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page