• BULGAR

2 bebot, timbog sa pekeng lisensiya

@Balitang Probinsiya | September 8, 2020



BATANGAS—Dalawang babaeng gumagawa ng mga pekeng lisensiya sa pagmamaneho ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa bayan ng San Juan.


Nakilala ang mga suspek na sina Joy Nepomuceno at Ronalyn Umali, kapwa residente sa nasabing bayan.


Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa pulisya na gumagawa at nagbebenta ng pekeng driver’s license sina Nepomuceno at Umali kaya agad nagsagawa ng buy-busy operation ang mga operatiba dahilan kaya nadakip ang dalawang suspek.


Kusa namang sumama sa pulisya ang dalawang suspek nang dakpin sila sa nasabing lugar.


Nakapiit na ang dalawang suspek na kapwa sinampahan ng kasong falsification of public documents.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.