2 bebot na tulak, timbog sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | February 24, 2022
CAGAYAN–Dalawang babaeng drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. Tanza, Tuguegarao City.
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Sally Awit, 33-anyos at Jocelyn Rugenep, 41-anyos, kapwa residente sa naturang lungsod,.
Ayon sa ulat, nadakip ang mga suspek sa isinagawang buy-bust operation sa nasabing lugar.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 22 sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments