top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

2 bangkay natagpuan sa sugarcane plantation

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 30, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Enero 30, 2023


NEGROS OCCIDENTAL — Dalawang bangkay ng lalaki ang natagpuan kamakalawa sa sugarcane plantation sa Bgy. 6, Kabankalan City sa lalawigang ito.


Ang mga biktima ay kinilala ng pulisya na sina Ervin Colorado, 22, at ang binatilyong itinago sa pangalang "Jerry", 16, kapwa nakatira sa Bgy. Biniculi sa nasabing lungsod.


Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa mga bangkay ng mga biktima na kapwa tadtad ng saksak ang mga katawan.


May hinala ang mga awtoridad na mahigit sa isa ang pumatay kina Colorado at "Jerry" dahil sa dami ng saksak na tinamo ng dalawang biktima.


Patuloy pa ang isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para makilala at madakip ang mga salarin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page