2 bagets na pumatay sa bading, tiklo
@Balitang Probinsiya | February 04, 2022
ZAMBOANGA CITY–Dalawang menor-de-edad ang dinakip ng pulisya dahil sa pagpatay sa bading kamakalawa sa Urban Poor Community.
Ang mga suspek ay itinago sa mga alyas na Totoy at Boy, kapwa 17-anyos at parehong residente sa nasabing lungsod.
Ang dalawang suspek umano ang pumatay sa saksak sa biktimang si Arnel Fabian, nasa hustong gulang.
Nabatid na ilang kamag-anak ni Fabian ang nakadiskubre sa bangkay nito sa loob ng kanyang tahanan at agad itong ini-report sa pulisya.
Sa imbestigasyon ay nakita sa CCTV ang dalawang suspek na lumabas sa bahay ni Fabian at tumangay pa sa motorsiklo ng biktima at dahil dito ay agad dinakip ng mga awtoridad ang dalawang binatilyo.



Comments