top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

2 bagets, dedbol sa motor

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 17, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | June 17, 2023



ILOILO -- Dalawang binatilyo ang namatay at isa pa ang sugatan nang aksidenteng bumangga ang kinalululanan nilang motorsiklo sa bakal na bakod kamakalawa sa Bgy. Antonio, Oton sa lalawigang ito.


Dahil mga menor-de-edad, ay hindi na pinangalanan ng pulisya ang dalawang nasawi at isang sugatan sa aksidente.


Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol ang isang binatilyo sa pagmamaneho ng motorsiklo habang kaangkas ang dalawa niyang kaibigan kaya bumangga sila sa bakal na bakod ng isang tahanan sa nasabing lugar.


Nabatid na sa lakas ng impact ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang mga biktima.


Dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival ang dalawang binatilyo, habang kritikal ang kondisyon ng isa pang biktima.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page