2-anyos natagpuang patay sa baybaying dagat
- BULGAR
- Mar 25, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | March 25, 2023
BUTUAN CITY—Isang 2-taong gulang na batang lalaki ang natagpuang patay kamakalawa sa baybaying dagat sa Bgy. Dulag sa lungsod na ito.
Sa kahilingan ng pamilya ng biktima, hindi na pinangalanan ang paslit na residente sa Las Nieves, Agusan del Norte.
Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima sa baybaying dagat ng nasabing barangay.
Huli umanong nakitang buhay ang biktima habang kasama ang kapatid nito na naglalaro sa isang pump boat.
Nabatid na sinabi ng kapatid ng biktima sa kanilang mga magulang na nahulog ito sa dagat at hindi na nakita, at sa paghahanap ng mga residente ay nakita ang bangkay ng bata sa baybaying dagat sa naturang lugar.



Comments