top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

17 miyembro ng Abu Sayyaf, sumuko

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 8, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | February 08, 2022

SULU–Labingpitong miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa Pansul, Patikul.


Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang mga sumukong terorista na pawang miyembro ng ASG na nakabase sa nasabing lalawigan.


Nabatid na isinuko rin sa mga awtoridad ng mga terorista ang mga dala nilang mga armas at pampasabog.


Sinabi ng mga sumukong ASG na nais na nilang magbagong-buhay kaya nagbalik-loob na sila sa gobyerno.


Isinasailalim pa sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong terorista upang matiyak na bukal sa kanilang kalooban ang pagbabalik-loob sa pamahalaan.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page