16 sabungero, nasakote sa tupada
@Balitang Probinsiya | January 20, 2022
NUEVA ECIJA–Labing-anim na sabungero ang nadakip sa isinagawang pagsalakay ng pulisya kamakalawa sa tupadahan sa Bgy. Pambuan, Gapan City.
Hindi pa pinangalanan ng pulisya ang mga suspek na, pawang nasa hustong gulang at mga residente sa nabanggit na lalawigan.
Ayon sa ulat, may nag-tip sa pulisya na may kalalakihan na nagtutupada sa naturang lugar, kaya agad itong sinalakay ng mga operatiba at dito nadakip ang mga suspek.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng mga manok na panabong, cash at mga tari sa pag-iingat ng mga suspek.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 1602 o illegal gambling.



Comments