top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

16 katao sugatan sa sunog

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 10, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 10, 2023


NEGROS OCCIDENTIAL -- Sugatan ang 16 katao nang masunog ang 26 na kabahayan kamakalawa sa Bgy. 7, Bacolod City sa lalawigang ito.


Sa ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng 16 na biktima ng sunog sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, nakita umano ng mga residente na biglang sumiklab ang sunog sa bahay ng pamilya Benjamen at dahil gawa lang sa light materials ay mabilis na kumalat ang apoy kaya nadamay ang 25 pang kabahayan.


Nabatid na habang naghihintay sa mga bumbero, nagtulung-tulong ang mga residente sa pag-apula ng apoy kaya ang 16 sa kanila ay nasugatan.


Nang dumating ang mga rumespondeng bumbero, makalipas ang higit isang oras ay saka lang naapula ang apoy.


Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page