16 bahay, tinupok ng apoy
@Balitang Probinsiya | March 5, 2022
AKLAN–Labing-anim na bahay ang tinupok ng apoy kamakalawa sa Bgy. Manoc-Manoc, Boracay Island, Malay.
Ang sunog ay nagmula umano sa isang bahay at sa bilis ng pagkalap ng apoy ay nadamay sa nasunog ang 15 pang kabahayan sa nasabing barangay.
Pansamantala munang hindi pinangalanan ang may-ari ng bahay na pinagmulan ng sunog habang nag-iimbestiga pa ang mga awtoridad.
Nabatid na tumagal ng halos apat na oras ang sunog bago naapula ng mga bumbero ang apoy sa mga nasusunog na kabahayan,
Wala namang iniulat na nadisgrasya sa naganap na sunog.



Comments