top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

15 BIFF members, sumurender

BULGAR
Jul 23, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 23, 2022


MAGUINDANAO—Labing-limang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa Bgy. Pigcalagan, bayan ng Sultan Kudarat.


Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang mga sumukong terorista na pawang miyembro ng BIFF na nakabase sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, isinuko rin sa mga awtoridad ng mga komunista ang mga dala nilang mga armas at subersibong dokumento.


Sinabi ng mga sumukong BIFF members na nais nilang magbagong-buhay, kaya nagbalik-loob na sila sa gobyerno.


Isinasailalim pa sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong terorista upang matiyak na bukal sa kanilang kalooban ang pagbabalik-loob sa pamahalaan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page