14 miyembro ng BIFF, Sumurender
@Balitang Probinsiya | February 28, 2022
NORTH COTABATO–Labing-apat na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa Bgy. Salunayan, Midsayap.
Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ng awtoridad ang mga sumukong terorista na pawang miyembro ng BIFF na nakabase sa nasabing lalawigan.
Nabatid na isinuko rin sa mga awtoridad ng mga terorista ang mga dala nilang armas at pampasabog.
Sinabi ng mga sumukong BIFF na nais na nilang magbagong-buhay kaya nagbalik-loob na sila sa gobyerno.
Isinasailalim pa sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong BIFF upang matiyak na bukal sa kanilang kalooban ang pagbabalik-loob sa pamahalaan.



Comments