14 miyembro ng BIFF, sumuko
@Balitang Probinsiya | January 11, 2022
NORTH COTABATO–Labing-apat na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa Bgy. Salunayan, Midsayap.
Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ng awtoridad ang mga sumukong miyembro ng BIFF na nakabase sa Bataan.
Napag-alamang isinuko din sa awtoridad ng mga terorista ang mga dala nilang armas at pampasabog.
Sinabi ng mga sumukong BIFF na nais na nilang magbagong-buhay at makapiling ang kanilang pamilya kaya nagbalik-loob na sila sa gobyerno.
Samantala, isinasailalim pa sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong BIFF members upang matiyak na bukal sa kanilang kalooban ang pagbabalik-loob sa pamahalaan.



Comments