14 mangingisda, tiklo sa illegal fishing
@Balitang Probinsiya | July 11, 2023
CAVITE -- Labing-apat na mangingisda ang inaresto ng mga awtoridad dahil sa illegal fishing kamakalawa sa karagatang sakop ng Bgy. Sapang 1, Ternate sa lalawigang ito.
Hindi muna pinangalanan ang mga naarestong mangingisda habang iniimbestigahan sila ng mga awtoridad.
Nabatid na dinakip ng pulisya ang mga mangingisda na nakasakay sa dalawang fishing vessel dahil ipinagbabawal ang pangingisda sa nasabing karagatan.
Kusa namang sumama sa pulisya ang mga naarestong suspek.
Nakapiit na ang mga suspek habang sinampahan na sila ng mga awtoridad ng kasong paglabag sa illegal fishing.



Comments