13-anyos lalaki, na-‘boga’ sa mukha
@Balitang Probinsiya | December 28, 2022
CAMARINES NORTE—Sugatan ang 13-anyos na lalaki nang aksidenteng maputukan ng “boga” sa mukha kamakalawa sa Bgy. Gahonon, Daet.
Dahil menor-de-edad ay hindi na pinangalanan ng pulisya ang biktima.
Ayon sa ulat, sinindihan ng bata ang paputok niyang ‘boga’, pero bigla itong pumutok at tinamaan siya sa mukha.
Kaagad dinala ng kanyang mga kamag-anak ang bata sa ospital at sa kasalukuyan ay ginagamot na ito.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya upang mapanagot ang nagbigay o nagbenta ng paputok sa biktima dahil ang naturang firecracker ay isa sa mga mahigpit na ipinagbabawal na gamitin sa ngayong Kapaskuhan at Bagong Taon.



Comments