11 manok ninakaw sa farm
@Balitang Probinsiya | October 2, 2022
AKLAN—Labing-isang manok ang ninakaw ng mga hindi pa nakikilalang magnanakaw kamakalawa sa isang farm sa Bgy. Mabilo, Kalibo.
Ang may-ari ng farm ay nakilalang si Abselino Morayao, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nang puntahan ni Morayao ang kanyang farm ay dito niya napag-alamang 11 sa mga alaga niyang manok ang ninakaw.
Sa ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad ang halaga ng mga ninakaw na 11 manok.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya upang makilala at madakip ang mga suspek na nagnakaw sa alagang manok ni Morayao.



Comments