top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

11 Armado arestado

  • BULGAR
  • May 10, 2022
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | May 10, 2022


SORSOGON – Labing-isang armadong lalaki ang dinakip ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Macalaya, Castilla sa lalawigang ito.


Hindi muna pinangalanan ang mga suspek habang iniimbestigahan sila ng mga awtoridad.


Nabatid na ilang residente ang nag-report sa pulisya na may mga nagpapaputok ng baril sa kanilang barangay kaya agad rumesponde ang mga awtoridad at hinarang ang dalawang sasakyan ng mga suspek.


Nang beripikahin ang laman ng dalawang sasakyan ay dito nakita ang iba't ibang uri ng mga suspek.


Sa ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkatao ng mga suspek kung bakit sila may mga dalang baril.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page