11-anyos, nalunod sa balon
@Balitang Probinsiya | March 6, 2022
QUEZON–Isang 11-anyos na batang lalaki ang natagpuang patay kamakalawa habang nakalutang sa tubig sa balon ng Soliyao, Pitogo.
Sa kahilingan ng pamilya ng biktima ay hindi na pinangalanan ang batang nasawi sa balon.
Ayon sa ulat, huling nakitang buhay ang biktima habang kumukuha ng tubig sa balon.
Sa imbestigasyon ng pulisya ay posible umanong walang nakakita nang mahulog sa balon ang biktima kaya nalunod ito.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na insidente.



Comments