100 bahay, tinupok ng apoy
@Balitang Probinsiya | February 20, 2022
ZAMBOANGA CITY--Isang-daang bahay ang tinupok ng apoy kamakalawa sa Bgy. San Roque.
Ang mga nasunog na bahay ay pawang nasa loob ng Summer Hill Village sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, biglang sumiklab ang sunog sa isang bahay at mabilis na kumalat ang apoy kaya nadamay nasunog ang iba pang kabahayan.
Sa imbestigasyon ng mga awtoridad ay nabatid na faulty wiring ang sanhi ng sunog.
Wala namang iniulat na nadisgrasya sa naganap na insidente.



Comments