top of page
FRANKLY - ANAK NI PATRICK, LALONG NA-BASH AT NA-BULLY-IG _onlypatrickgarcia.jpg

10 sabungero tiklo sa illegal na sabungan

BULGAR
Sep 20, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | September 20, 2022


NUEVA VIZCAYA—Sampung sabungero ang inaresto ng pulisya kamakalawa sa isang illegal na sabungan sa bayan ng Dupax del Sur.


Nakilala ang mga suspek na sina Junel Poski, Rocky Baguio, Jack Basatan, Deogracias Fernandez, Elno Palnac, Rufino Pindog, Winzel Baniwas, Reggie Ramos, Andy Bumato at Ronald Durana, pawang nakatira sa naturang bayan.


Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa mga awtoridad na may mga nagsasagawa ng illegal na sabong sa naturang lugar kaya agad itong sinalakay ng mga operatiba at dito nadakip ang sampung suspek, samantalang mabilis na nakatakas ang iba pang sabungero.


Nakakumpiska ang mga operatiba ng mga manok na panabong, cash at mga tari sa lugar na pinagdausan ng illegal na sabong.


Nakapiit na ang mga suspek na nahaharap sa kasong illegal gambling, samantalang pinaghahanap pa ng pulisya ang ibang nakatakas na sabungero.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page