top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

10 loose firearms, isinuko

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 2, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | February 02, 2022

TAWI-TAWI–Sampung loose firearms ang isinuko ng tatlong residente kamakalawa sa mga awtoridad sa bayan ng Sitangkai.


Hindi na pinangalanan ng pulisya ang mga residenteng nagsuko ng mga baril na pawang nakatira sa nasabing bayan.


Nabatid na ang mga isinukong armas ay anim .45 pistola, isang grenade launcher, isang armalite, at dalawang carbine.


Napag-alamang isinuko ng mga residente ang kanilang mga baril sa inilunsad na “Oplan-Katok” ng pulisya.


Nananawagan ang mga awtoridad sa sinumang residente na may baril pero walang kaukulang dokumento na isuko sa kanilang tanggapan ang kanilang mga armas upang makaiwas sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page