top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

10 local terrorists, sumurender

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 13, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 13, 2020



Camarines Sur—Sampung miyembro ng local terrorists na New People’s Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa bayan ng Pili.


Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang mga sumukong NPA.


Nabatid na isinuko rin ng mga terorista ang mga dala nilang baril at bala sa pulisya at militar sa nasabing lalawigan.


Sinabi ng mga sumukong komunista, nagsawa na sila sa pakikipaglaban sa pamahalaan kaya nagpasya silang magbalik-loob sa gobyerno.


Isinasailalim na sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong terorista para matiyak na bukal sa kanilang kalooban ang pagbaballik-loob sa pamahalaan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page