top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

10 BIFF members sumurender

BULGAR
Oct 9, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 9, 2022


MAGUINDANAO DEL SUR—Sampung miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa bayan ng Ampatuan.


Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang mga sumukong terorista na nakabase sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, isinuko rin sa mga awtoridad ang mga dala nilang armas at pampasabog.


Sinabi ng mga sumukong BIFF members na nais na nilang magbagong-buhay kaya nagbalik-loob na sila sa gobyerno.


Isinasailalim pa sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong terorista upang matiyak na bukal sa kanilang kalooban ang pagbabalik-loob sa pamahalaan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page