10 Bahay, tinupok ng apoy
@Balitang Probinsiya | July 6, 2022
PALAWAN—Sampung bahay ang tinupok ng apoy kamakalawa sa Bgy. San Pedro, Puerto Princesa City.
Hindi muna pinangalanan ng mga awtoridad ang may-ari ng bahay na pinagmulan ng sunog habang nagsasagawa pa ng pagsisiyasat ang mga arson investigators.
Ayon sa ulat, nakita ng mga residente sa naturang lugar na biglang sumiklab ang sunog sa bahay hanggang madamay sa nasunog ang siyam pang kabahayan.
Napag-alamang nakaresponde agad ang mga bumbero kaya hindi na lumaganap pa ang sunog sa naturang barangay.
Wala namang iniulat na nadisgrasya sa naganap na sunog at sa ngayon ay inaalam na ng mga awtoridad ang halaga ng napinsala ng apoy.



Comments