1 patay, 1 sugatan sa karambola

@Balitang Probinsiya | December 8, 2020
ISABELA—Isang tricycle driver ang namatay at sugatan naman ang pasahero nito sa naganap na karambola ng tatlong sasakyan kamakalawa sa Bgy. San Fermin, Cauayan City.
Kinilala ang nasawi na si Teofilo Gaoiran, samantalang ang sugatan ay si Khim Macadat, kapwa nakatira sa naturang lalawigan.
Ayon sa ulat, habang minamaneho ni Gaoiran ang kanyang tricycle at nakasakay dito si Macadat ay bigla itong nag-overtake sa sinusundang pick-up dahilan para bumangga ang mga biktima sa kasalubong na van.
Nabatid na matapos magkabanggaan ang tricycle at van ay nabangga din ng pick-up ang sasakyang kinalululanan ng dalawang biktima.
Kaagad dinala ng mga saksi ang dalawang biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Gaoiran, samantalang patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na aksidente.



Comments