• BULGAR

1 miyembro ng komunistang NPA, sumurender

@Balitang Probinsiya | December 3, 2020



TARLAC—Isang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa bayan ng Mayantoc.


Para sa kanyang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang sumukong komunista.


Napag-alamang isinuko rin ng komunista ang dala niyang baril at bala sa Tarlac Police Provincial Office.


Ayon sa sumukong NPA, nagpasya siyang magbalik-loob sa pamahalaan dahil gusto na niyang magbagong-buhay.


Isinasailalim na sa taktikal na interogasyon ang sumukong komunista para matiyak na bukal sa kanyang kalooban ang pagbaballik-loob sa gobyerno.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.