top of page

STL, mas malaki ang kita kesa lotto - PCSO

  • Jeff Tumbado
  • Aug 24, 2019
  • 1 min read

BAHAGI ng kinikita ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ay galing sa Small Town Lottery (STL) na una nang pinayagang makabalik sa operasyon matapos ang suspensiyon na iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations, inamin ni General Manager Royina Garma na ang pinakamalaking revenue ng PCSO o 52% ay nagmumula sa STL na aabot sa P12.6 bilyon mula noong Enero hanggang Hunyo ng kasalukuyang taon.

Pumangalawa lamang ang lotto na mahigit sa P10 bilyon o 41% ang revenue habang 5% o P1.3 bilyon lamang sa Keno.

Sa presentasyon ni Garma, 35% ng kita ay ibinabalik sa publiko sa pamamagitan ng charity, 55% ay sa premyo habang 15% lamang ang napupunta sa PCSO. Bumaba naman sa P24.6 bilyon ang na-generate na kita ng PCSO sa unang kalahati ng 2019, malayo pa ito kumpara sa P63.6 bilyon na naabot na revenue ng ahensiya noong 2018.

Kasabay nito, inihirit ni Garma na malibre o ma-exempt ang PCSO sa pagbabayad ng buwis dahil na rin sa mga charity nito.

Pabor din si Garma na tanggalin na ang kanilang mandatory contributions sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno upang mas marami silang matulungan lalo na ang sakop ng Universal Health Care Law.

Mula noong 1998 hanggang Hunyo 2019, aabot sa P13.92 bilyon ang nai-remit ng PCSO sa ilang ahensiya ng gobyerno tulad ng Commission on Higher Education (CHED), Dangerous Drugs Board (DDB), Philippine Sports Commission at Philippine Crop Insurance Corporation.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page