Warehouse, nasunog sa Boracay
- BULGAR
- Jun 21, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | June 21, 2022
AKLAN–Tinupok ng apoy ang isang warehouse kamakalawa sa Boracay Island.
Ang nasunog ay ang warehouse ng Aqua Boracay Hotel sa nabanggit na lugar.
Ayon sa ulat, nakita umano ng mga residente na biglang sumiklab ang sunog sa nasabing warehouse.
Wala namang iniulat na nadisgrasya sa naganap na insidente.
May hinala ang mga awtoridad na faulty wiring ang sanhi ng sunog.



Comments