Wanted na pusher, arestado
- BULGAR
- Jul 21, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | July 21, 2022
ILOILO—Isang wanted na drug pusher ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa bayan ng Mandurriao.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Adonis Banzuelo at pansamantalang nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong may kinalaman sa pagbebenta ng droga sa lalawigan.
Nabatid na may nag-tip sa pulisya sa pinagtataguan ni Banzuelo, kaya agad rumesponde ang mga operatiba at dinakip ang suspek.
Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments