Wanted na manyakis nasakote
@Balitang Probinsiya | May 6, 2022
LAGUNA – Isang wanted na manyakis na lolo ang nadakip ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Calios, Sta. Cruz sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Reynaldo Abitan, 69-anyos at pansamantalang nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong acts of lasciviousness at child abuse.
Nabatid na may nagbigay impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ng suspek kaya agad rumesponde ang mga awtoridad at inaresto ito sa naturang barangay.
Hindi naman nanlaban ang suspek sa mga awtoridad at sa ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments