Wanted na magnanakaw, timbog
@Balitang Probinsiya | May 14, 2022
ALBAY – Isang wanted na magnanakaw ang nadakip ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Gogon, Legazpi City sa lalawigang ito.
Hindi muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan ito ng mga awtoridad.
Napag-alaman na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong qualified theft.
Ayon sa ulat, may nag-tip sa pulisya sa pinagtataguan ng suspek kaya agad rumesponde ang mga operatiba at inaresto ang magnanakaw sa nasabing barangay.
Nakapiit na ngayon ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments